7 Ways to Expand your Sari-Sari Store 

What makes a sari-sari store business special is its endless ways to improve and expand! Ang sari-sari store ay small business na patok sa bawat sulok ng Pilipinas. But what makes it special for first time and small business owners is how you can expand and improve your sari-sari store! 

If you’re looking to take the next step in improving your business, here are some other sources of income you could include in your sari-sari store. 

1. Eload and Game Credits

Hindi maikakaila na patok ngayon sa kabataan ang mga online games tulad ng Genshin Impact, Mobile Legends, at iba pa. Alam mo ba na maaari kang maging seller ng game credits sa mga larong ito? Bukod sa pagiging patok na negosyo, maliit ang puhunan at madali lang ang transaction sa game credits business! 

Hindi rin mawawala ang Eload business sa bawat sari-sari store. Kung tutuusin, isa itong must-have sa bawat sari-sari store negosyo at home! 

2. Pisonet and Internet Cafe

Para naman sa mga willing maglabas ng mas malaking puhunan, maganda ring iconsider ang pisonet business. Malaki ang market ng pisonet at internet cafes para sa mga malapit sa school zones at residential area. 

Siguraduhin na maghanap ng mapagkakatiwalaan at garantisadong supplier para sa iyong mga computer unit. 

3. Paid Wi-Fi 

Isa sa mga rising na small business ngayon ang mga piso wifi vendo machine! Kung ikaw ay malapit sa mga high foot traffic na lugar o mga transport station, siguradong magandang source of passive income ang mga paid wifi machine. 

Another perk of having a vendo machine is hindi kailangan maging hands-on sa ganitong negosyo. As long as you maintain your machines and check it regularly, siguradong tatagal ang iyong pinuhunang machine. 

4. Coffee Vendo Machine

Another convenience machine na kadalasang nakikita sa mga sari-sari store ay ang mga coffee vendo machine. Bilang affordable na drink at merienda, patok ito sa mga tricycle at jeepney driver, mga estudyante, at pati na rin sa mga papasok sa opisina. 

We recommend finding a good supplier for your vendo machine needs na may masarap na timpla at an affordable price. 

5. Merienda business

Ang iyong sari-sari store ba ay nasa high-density residential areas, malapit sa school zone, or sa mga basketball court? Siguradong patok na negosyo ang mga merienda business tulad ng fishballs, kikiam, samalamig, at sweet corn! 

Ang mga overhead expenses nito ay kadalasang mga appliance na mayroon na sariling bahay. 

Tuwing summer, maganda ring idea ang mga halo-halo, milk tea, at iba pang cool refreshers na hinahanap-hanap ng karamihan. 

6. Printing and photocopying

If your sari-sari store is located near a government office, business district, or school zones, magandang dagdag business idea ang mga printing at photocopying services! You can start small with a single printer/photocopier, and expand eventually kung malaki ang demand. 

7. Bayad center services

If you’re living in a residential area na may kalayuan sa inyong city proper, magandang idea ang mag-offer ng bayad center and online bills payment services. Pwede ka ring mag-offer ng cash-in or cash-out services sa mga online wallet, lalo na’t in demand ang online shopping ngayong panahon. 

Kung magiinvest sa isang bayad center business, make sure to have the necessary legal documents para negosyong ito. 

Ang sari-sari store ang isa sa mga well-loved small businesses na parte na ng ating kultura bilang Filipino. Mahalagang maging innovative for more ideas to improve your sari sari store ideabusiness para lumago at mas maging product of love ang inyong negosyo

Leave a Reply